'pagkat may paglaya sa pagsulat
Gusto kong maglaho, at hindi na bumalik. Gusto kong matulog, at hindi na magising.
//
araliya
always remember
how a plumeria blooms -
on a rainy day, they wither
with strong winds, they fall
but as the sun shines on their petals
white and yellow hues glow
even brighter than the sun
and whiter than snow
with all the uncertainties
and miseries,
be like an araliya.
No one is aware
of all her sudden fetish over ropes;
or blades; or the idea of not waking up.
“You’re just going through rough times”
Rough times, to me,
though
are never just.
Ayoko nang magising. Sana di na ako magising bukas. Sana lamunin ako ng dilim sa aking panaginip, pigilan nito ang paghinga.
Ayoko nang imulat ang mga mata.
Ayoko na ng bukas.
Darating ang isang araw, mumulat ka at hindi na makahihinga nang maluwang, sapagkat sumikip nang tuluyan ang mundong itinuring nang tahanan: kung saan komportable, malaya sa pangamba, at pagkatanga.
Darating ang isang araw, lalabas ka, kakawala, dahil kung di'y babalutin ka ng dilim, ng mga lumang pangarap na hindi naabot, mga pagkakamaling iniukit na sa iyong bawat gawa.
Darating ang isang araw, tutungo ka sa ibang mundo, sa hindi sigurado. Matatakot man, maliligaw- ngunit gagawin mo itong iyo.
Darating ang isang araw. Ang bagong mundo ring ito ay aangkinin mo.
Guro |180902| TPS


